Ako po ay mahilig mag-explore ng kung anu-ano sa internet. Mahilig ako manood ng mga tips and tricks, How-to’s at kung anu-ano pa. Isa sa madalas kong i-search, basahin at panuodin ay kung paano nga ba kumita sa internet.
Marami na akong nasubukang iba’t ibang paraan. Nandiyan ang Clickbank at iba pang affiliate marketing. Na-try ko nadin and Adsense sa Blogger platform ni Google atbp. Sa lahay ng ‘yan walang nagwork. Hanggang sa naisipan naming mag-vlog ng asawa ko.
Gumawa kami ng maraming mga videos at ina-upload namin sa Youtube at Facebook. Habang tumatagal, medyo nainip na kami ng asawa ko kasi walang nanonood masyado at wala ding nagsusubscribe. Napakahirap pa naman i-meet ang requirements ni Youtube.
Natry din naming mag-live streaming para maka-kuha ng stars sa viewers pero napakadami mong kakompetensiya. Kumbaga 1 in a million.
Isang araw nakapanood ako ng isang vlog kung paano kumita ng pera sa Facebook Page. Nung time na yun, meron akong ginogrow na Youtube Channel na nagawan ko din ng sariling Page. Sa mga tinuro ng vlogger na yun nagsimula ang aking karera sa Facebook.
Ito ay pinagdasal ko din sa Diyos na bigyan nya ako ng biyaya. Nagkataon ding madamo akong oras dahil nagsimula ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Ang Aking Pagsisimula
Magtatapos noon ang Marso 2020, sinimulan kong iboost ang aking Page para Mameet and 10,000 followers ni Facebook. Nagsimula nadin ako magupload ng Video na alam kong panonoorin ng tao habang nasa bahay. Ito’y saktong sakto sa #stayathome drive ng gobyerno para sa ECQ.
Medyo naging epektibo ang pagboost at pag upload ko ng videos dahil agad namang dumami ang mga followers at views. Nagviral din ang mga videos ko. March 31 (sa pagkakatanda ko), naabot ko na ang requirements ni Facebook:
- 10,000 Followers
- 30,000 1-minute view for every 3-minute video
Nag-apply ako sa in-stream ads at inapprove agad ako pagkatapos ng 1-2 araw.
Ang mga ito ay aking ituturo sa inyo kung paano abutin kaya abangan nyo ang mga kasunod na blogs ko dito at videos ko both Youtube and Facebook.
Paano Kumikita sa Facebook Page
Hindi po binabayaran ni Facebook ang isang page sa views at followers. Binabayaran po tayo sa mga ads na nilalagay nya sa bawat videos natin.
Kung nameet na po natin ang requirements at naapprove ka na sa application, bibigyan ka na ni Facebook ng access sa in-stream ads sa Creator Studio.
Ituturo ko din sa Inyo kung paano mag apply sa in-stream ads at Iba pang monetization kapag na meet na ninyo ang requirements.
And nilalagyan lamang po or ang qualified lang po na videos sa ads ni Facebook ay iyong mga may 3 minutong duration pataas. Hindi rin po automatic na magkaka ads dahil Ito ay dumadaan sa review ni Facebook.
Maganda rin pong basahin ninyo ang guidelines ni Facebook para maiwasan po ang violations. Puntahan nyo po ang link na ito: https://www.facebook.com/help/publisher/partner-monetization-policies
Bawat araw, kumikita po ako ng hindi bababa sa 1,000 pesos or $20 dollars.
Ito po ang screenshot:
Naranasan ko din pong mademonitized kasi upload lang po ako ng upload. Kaya dapat po basahin talaga ang mga policies.
Ngayon po ay pinagpapatuloy ko nalang po ang aking Facebook Page at excited na po akong mag-sweldo. Wala pa po akong matuturo kung paano mag-payout sa Facebook kasi sa susunod na buwan ko palang po makukuha ang kinita ko.
Payo sa mga Gustong Kumita Online
Para sa mga nag-aaspira maging vlogger or kumita sa Youtube, subukan nyo po ang Facebook Page. Kumita na po ako sa loob lamang ng maikling panahon. Napakahirap po ng requirements ni Youtube and masyado na pong cluttered.
Umisip po kayo ng topic or niche na tingin nyo ay panonoorin talaga ng tao. ‘Wag din pong paiba-iba ang topic dahil maguguluhan po ang followers.
Wala pong kaso na gumastos sa una dahil ako man po ay naglabas din ng pera.
Ito po ang kauna-unahang blog ko. Suportahan nyo po ako sa mga susunod na artikulo at videos.
Follow us:
Subscribe
Maraming salamat po at good luck po sa inyong online career.



0 Comments