Marahil ang halos lahat sa inyo ay aware na kung paano kumikita ang mga Game Streamers sa Facebook. Ang mga ito ay kumikita sa mula sa mga Facebook Stars na sinisend ng mga Fans nila. Bukod sa earnings nila from the stars, sila rin ay kumikita sa iba pang paraan at ‘yon ang tatalakayin natin sa article na ito.


Mayroond 3 paraan pa si Facebook kung paano ka Kikita bilang isang video creator. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. In-stream Ads
  2. Brand Collaboration
  3. Fan Subscription

In-stream Ads


Kung mapapanisin ninyo sa mga pinapanood ninyong videos sa Facebook, may mga lumalabas na mga patalastas o ads habang ikaw ay nanonoon - ito ay maaring video ad or image ad. Dito nagmumula ang kita ng isang Facebook Page. Sa bawat 1,000 na views ay may kaukulang dollar ($) rate. Ang mga videos na 3-minuto pataas ang haba lamang ang magkakaron ng ads at ito ay dumadaan sa review ni Facebook.


Requirements para mag qualify sa In-stream Ads



After mo Mameet ang criteria, p’wede ka na mag apply for In-stream Ads.



Brand Collaboration


Madali lang ma-meet and criteria para sa Brand Collaboration pero bihira ang kumikita dito. Kung mapapansin ninyo ang ibang mga content creator na may mga nakatag na Brands o at pinopromote nila ang mga ito sa videos nila, ‘yon ay halimbawa ng brand collaboration. Ito ay isang paid partnership na kung saan binabayaran ka ng mga brands para ipromote ang produkto o serbisyo nila. Palakihin mo ang iyong fan base upang maka attract ka ng sponsorship.


Requirements para mag qualify sa Brand Collaboration




Fan Subscription


Dito, walang binigay na criteria si Facebook para mag-qualify ka. Ito ay per-invite only ni Facebook. Ito ay para sa mga Facebook Page na sikat na talaga, hinahanap at pinaguusapan ng mga tao.


Sa paraang ito, ikaw ay mag seset ng amount per month kung saan mag susubscribe ang mga fans mo sayo at d’yan manggagaling ang kita mo. Ichacharge ang mga Fans monthly based sa sinet month amount. Mas maraming subscription, mas malaking kita.


Upang maka-attract ng subscribers, ikaw ay mag ooffer sa Kanila ng exclusive contents.


At iyon ang 3 paraan pa para kumita sa Facebook. Maari ninyong i-check ang status ng inyong page sa Link sa baba para mamonitor ninyo ang progress sa pag-meet ng criteria.


https://web.facebook.com/creators/tools/mta


Follow us:

Subscribe