Bago tayo magsimulang kumita sa Facebook, kailangan muna natin syempre gumawa ng isang Page. Sa article na ito, ituturo ko sa Inyo step by step kung paano nga ba gumawa ng isang Facebook Page.


Mga Hakbang sa Paggawa ng Facebook Page

1. Sa iyong profile, makikita mo and salitang “Create.” I-click mo ito.


2. May drop-down menu na lalabas kung saan makikita mo ang salitang “Page.” I-click mo ito.


3. Magkakaron ka ngayon ng dalawang options. Una, “Business or Brand,” para ito sa mga established na na business at brands so piliin natin ‘yong pangalawa which is Yung “Community or public figure.” I-click mo ang “Get started.”


4. Ilagay ang Page Name na iyong gusto. I suggest na related ito sa content na Gagawin mo.


5. Sa Category, I suggest na Video Creator ang iyong ilagay tapos i-click mo ang Continue.


6. Mag-upload ng iyong Profile Picture. I suggest na Bago ka gumawa ng Page, kailangan decided ka na sa Page Name at may naka prepare ka nang Logo or Profile Picture. Dapat related and Profile picture sa content mo para may recall or mabilis tandaan.


7. Mag-upload ng iyong Cover Photo.


Bago Gumawa ng Page

Tandaan na kailangang decided ka na sa magiging content ng iyong Page bago ka gumawa para magkaron ka ng consistency. Planuhin ng maigi at magkaroon ng timeline ng iyong uploads.


Congratulations at may Page ka na! Nawa’y nakatulong po ulit ako sa inyo.



Bago po kayo mag proceed, make sure basahin nyo po muna ang article na ito: